Maraming magaganda at positibong epekto ang pakikihalubilo sa iyong kapwa mag-aaral, tulad ng:
- Pagkakaroon ng mga kaibigan: Ang pagkakaroon nito sa iyong paaralan ay maaaring makatulong sa iyong pag-aaral, maaari mo rin silang maging katuwang sa mga gawain at aktibidad sa paaralan.
- Pagpapaunlad ng kaalaman: kapag ikaw ay nakikisalamuha sa iba mayroon kang matututunan galing sa kanila na maaari mong magamit at makatulong sa iyo.
- Pagpapaunlad ng kakayahan sa komunikasyon: dito ay matututuhan at mapapaunlad mo ang iyong mga kasanayan sa pakikisalamuha at komunikasyon. Ito din ay nagbibigay-daan upang mas mapa-mahusay ang pagpapahayag ng mga saloobin at mga opinyon para sa isa't-isa.
- Pagtitiwala sa iba: kung madalas kang nakikipag-ugnayan sa iba ay maaari mong mapalakas ang iyong tiwala sa kanila at seguridad kasama sila.
Makakatulong din ito para sa iyo upang mapaunlad ang iyong pakikipaghalubilo at ang iyong sarili bilang isang mag-aaral.