1. Ito ang tawag sa kita ng isang entrepreneur.
A. upa B. suweldo C. tubo D. interes
2. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal at serbisyo.
A. lakas-paggawa B. pagkonsumo C. kapital D. distrubusyon
3. Tumutukoy ito sa proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output.
A. pagkonsumo B. produksiyon C. distribusyon D. lakas-paggawa
4. Ang salik na ito ang pinagmumulan ng lahat ng materyales o sangkap sa produksiyon.
A. paggawa B. entrepreneurship C. kapital D. lupa
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng blue-collar job maliban sa isa.
A. guro B. magsasaka C. karpintero D. mekaniko
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kapital?
A. ginto B. gulay C. gubat D. tulay
7. Siya ang itinuturing na ""kapitan ng industriya"".
A. magsasaka B. entrepreneur C. pangulo D. seller
8. Ito ang tawag sa mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto.
A. output B. white-collar C. input D. capital
9. Ito ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ginawang paglilingkod.
A. renta B. tubo C. interes D. sahod
10. Ito ay bahagi ng lupa bilang salik ng produksiyon.
A. mineral B. kalsada C. makina D. sasakyan