ano ang aral na natutunan mo sa kwento? ito po yung kwneto:
Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho
Si Baste ay ulila na sa ama at sa ina. Maaga siyang naulila sa magulang.
Namatay ang kaniyang nanay nang araw pagkatapos niyang maisilang si Baste. Ang
ama niya naman ay pumanaw noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Ang
tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kaniya. Kasama niyang lumaki ang asong
pinangalanan niyang Pancho. Ibinigay ito sa kaniya ng kaniyang tiyo noong magtapos
siya sa sekondarya.
Matalino si Baste, gayundin si Pancho. Mula noong tuta pa lamang ito hanggang
umabot ng dalawang taon, si Baste ang lagi niyang kalaro. Kahit nasa ikalawang taon
na sa kolehiyo ay hindi mahilig si Baste sa pagbabarkada.
Malapit ang bahay nina Baste sa daungan kung kaya’t lagi silang namamasyal ni
Pancho doon. Mabait ang aso at parehas silang kilalang-kilala ng mga nagtatrabaho
doon. Halos araw-araw pagkatapos ng klase ay naglalakad sila papunta doon at
hinihintay nila ang paglubog ng araw. Subalit, habang lumilipas ang panahon at nasa
ikatlong taon na sa kolehiyo si Baste, wala na siyang oras para kay Pancho. Marami na
rin siyang bagong kaibigan at malimit na silang pumunta sa daungan.
Nalungkot is Pancho sa mga pagbabago sa buhay ng taong tinuturing niyang
matalik na kaibigan. Nakapagkatapos ng kolehiyo si Baste ngunit ibang-iba na ito lalo
na noong nakapagtrabaho at nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay.
Pumanaw ang tiyo ni Baste bago pa sila lumipat sa bago niyang bahay. Isinama
niya si Pancho ngunit malungkot pa rin ito.Madalang lang kasi silang makapaglaro.
Palaging umaalis ng bahay si Baste o ‘di kaya’y pinupuntahan siya ng mga kaibigan
niya sa bahay niya. Pati ang pag-uugali niya ay nag-iba na.
Isang araw, umuwing lasing si Baste. Dahil sa sobrang pananabik ni Pancho kay
Baste ay kaaad siyang tumakbo nang mabilis patungo kay Baste. Tinaboy ni Baste ang
kawawang aso kaya ito nagtampo. Kinabukasan, pagkagising ni Baste ay wala na si
Pancho sa bahay nila. Hinanap niya ito kung saan-saan. Bumalik rin siya sa dati nilang
bahay ngunit wala doon ang aso.
Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na
ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya ang mga panahong makapaglaro lang
sila ni Pancho ay masaya na siya.Napagtanto niya nawalan siya ng panahon sa asong
naging kasama sa mahabang panahon. Bigla niyang naalala ang daungan at kaagad-
agad siyang pumunta roon.
"Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga.
Nauna pa yung aso mo sa iyo dito," sabi ng guwardiya.Bakas ang saya sa mga mata ni
Baste sa kaniyang narinig. Kaagad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi
silang umuupo ni Pancho noon at nanonood ng paglubog ng araw. Doon nakita niya
ang matandang aso na nakaupong mag-isa.Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan
niya ito na parang nilalambing. Kaagad namang humiga ang aso sa mga paa ng binata.
Simula noon ay nagbago ang lahat. Nanumbalik ang dating samahan nina Baste
at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at sinasariwa ng
binata ang dati niyang simpleng buhay.