Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik.
Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.
2. Paglalagom ng kabuoang idea o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, at tukuyin.
3. Ang pagsasama-sama ng hinangong idea mula sa iba't ibang pinagkunan ng impormasyon at
mga datos.
4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat
mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga datos.
6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa nang mas
maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin, at makapagdaragdag
pa ng mas mabisang idea.
7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat kawastuan ng
mga pamamaraan at dokumentasyon.