Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang maikling kuwento.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Punan ang graphic
organizer. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Isang hapon habang nag-uusap ang mag-asawang sina Mang
Arnel at Aling Rosel ay hindi sinasadyang narinig ng anak na si Carmie
ang usapan.
"Isang linggo na lang daw ang bukas ng pabrika, mahina na ang
produksiyon at magsasara na muna ito habang hindi pa natatapos
ang pandemya," wika ni Mang Arnel.
"Paano kaya ito? Mauubos na rin ang ating naipon, hindi naman
tayo nakasama sa ayuda ng barangay," nag-aalalang tugon ni
Aling Rosel.
Mawawalan ng trabaho ang kanyang ama at mauubos na rin
ang panggastos nila sa araw-araw.
"Hwag kang mag-alala, may naisip akong negosyo dito sa
bahay. Marunong naman akong magkumpuni ng mga sirang
kagamitan tulad ng telebisyon at electric fan," sabi ni Mang Arnel
sa asawa,
"Ako nama'y magluluto ng meryenda at maaring mailako sa
mga kapitbahay. May-awa ang Diyos, makakaraos din tayo."
umaasang sagot ni Aling Rosel.
1.Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa maikling
kuwento?