Simulan na natin ang maglakbay sa mga kabanata 1 - 14 ng Noli Me Tangere.
Ito ay ang pagbabalik ng pangunahing tauhan na si Crisostomo
Ibarra.
sa Kabanata
1-14
na
Himaymayin natin ang mahalagang pangyayari
nagbibigay diin sa pagbabalik sa sariling bayan ni Juan Crisostomo Ibarra mula sa
kanyang paglalakbay sa Europa. Damhin
natin ang namamayani na emosyon sa
kanyang pagbabalik gayundin sa iba pang
mahalagang tauhan sa akda. Inaasahang
magbabahagi ka ng iyong opinyon, matibay
na paninindigan, at damdamin kaugnay
ng nangingibabaw na mahalagang
kaisipan at pangyayari sa mga kabanatang
nabanggit.
Matutunan mo sa araling pangwika ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng
iyong pananaw at matibay na paninindigan at
gayundin ang dalawang antas ng
pormalidad ng wika.
Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat isa)
1. Ano-ano ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon?