Answer:
Ang Konsepto ng Asya
Maraming pagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng terminong Asia. Karamihan sa mga ito ay nagmula sa konsepto ng mga Europeo lalo na ng mga 1. Griyego. Batay sa mga ito, nangangahulugan lalo na ng mga 2. sinaunang Griyego ang Asia na lupain sa 3. silangan kung saan ang araw ay sumisikat.
May dalawang pananaw sa pag-aaral ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng Asya—ang Eurosentriko at ang Asyasentrikong pananaw. Tumutukoy ang 4. Eurosentrikong pananaw sa konsepto ng mga Kanluranin tungkol sa Asya. Ayon sa pananaw na ito, itinuturing ng mga Europeo ang kanilang kultura na 5. superyor kaysa sa kulturang Asyano at anumang pag-unlad sa kulturang Asyano ay bunga lamang ng impluwensiyang 6. Kanluranin. Samantala, itinataguyod naman ng mga Asyano ang 7. Asyasentrikong pananaw sa pag-aaral ng Asya. Ayon sa pananaw na ito, may mataas at mayamang antas na ng sibilisasyon ang mga 8. Asyano bago pa man dumating ang mga Europeo sa Asya.