Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang tumulong sa iyo na makahanap ng mga solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

ano ang lipunang sibil?

Sagot :

Answer:

Ano ang lipunang sibil?

Ang lipunang sibil ay kusang pag-oorganisa ng sarili tungo sa sama-samang pag-tuwang sa isa’t –isa. Hindi ito isinusulong ng mga politiko o ng mga negosyante na may pansariling interes. Ito ay binubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Ito din ay nagsasagawa ng mga pag-tugon na sila mismo ang nagtataguyod ng likas kayang pag-unald (sustainable development) na hindi tulad ng minamadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Dahil sa dami ng responsibilidad ng inaatang sa pamahalaan may mga pagkakataong nagkukulang ang pamahalaan na tugunan ang mga ito. Kaya mahalaga ang ginagampanan ng lipunang sibil bilang katuwang ng pamahalaan sa pagsasa-ayos dito para sa ikabubuti ng lipunan. Ang lipunang sibil ay ang mata ng lipunan. Ang Halimbawa ng lipunang sibil ay ang mass media, Mga samahan at simbahan.

Mga halimbawa ng Lipunang sibil

1. Binuo ang Gabriella at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang mga sumusunod:

• Anti-Sexual Harassment Act (1995);

• Women in Development and Nation-Building Act (1995);

• Anti-Rape Law (1997);

• Rape Victims Assistance and Protection Act (1998);

• Anti- Trafficking of Persons Act (2003);

• at Anti-Violence Against Women and Their Children Act (2004).

2. Inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. Matapos ang konsultasyon, nabuo ang Peace Advocates Zamboanga (PAZ).

• Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo.

• Nagdaraos ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristiyano at Muslim.

• Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang “Forum on Rehabilitation and Reconciliation” nang sumunod na buwan.

• Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga nawasak na tahanan, ang muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.

3. Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.

4. Simbahan. Sa sama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil, isang panrelihiiyong institusyon, na tinatawag ng marami bilang Simbahan. Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating tinatamasa.

Para sa iba pang kaalaman ukol sa Lipunang sibil maaring buksan lamang ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/504544

brainly.ph/question/408400

brainly.ph/question/42433