Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng mga sagot na kailangan mo nang mabilis at eksakto mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Ang panagano ng pandiwa ay tumutukoy sa iba't ibang anyo ng pandiwa ayon sa panahon. Mayroong apat na panagano ng wika. Ito ay ang mga sumsunod:
- panaganong pawatas;
- panaganong pautos;
- panaganong paturol;
- panaganong pasakali.
Basahin ang kahulugan at halimbawa ng panaganong pawatas sa https://brainly.ph/question/435515.
Ang Antas ng Pandiwa
Ang panaganong pandiwang paturol ay tumutukoy sa panagano ng wika kung saan nagbabago ang anyo ng wika batay sa aspekto nito gaya ng:
- perpektibo o angmga salita o kilos na tapos na;
- imperpektibo o ang mga salita o kilos sa kasalukuyan.;
- kontemplatibo o ang mga salita o kilos sa hinaharap.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng panaganong pandiwang paturol:
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
kain in kinain kinakain kakainin
ibig um umibig umiibig iibigin
tanim nag nagtanim nagtatanim magtatanim
Iba pang halimbawa ng pandiwang imperpektibo, basahin sa https://brainly.ph/question/1941597.
Ang Pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng puwersa o kilos. Iba pang halimbawa ng salitang Pandiwa, alamin sa https://brainly.ph/question/2172664.
Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga panlaping um-, mag- o ma-. Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan. Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita. Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.
Kahulugan ng Panaganong Pandiwang Paturol
Ang panaganong pandiwang paturol ay mga salitang ugat na maaaring kabitan ng mga sumusunod na mga panlapi:
- um-
- mag-
- ma-
Um-
- Ang um- ay madalas na ginagamit para sa mga internal na aksyon o di kaya'y aksyon ng kalikasan.
- Halimbawa: bumasa, bumilang, sumulat, lumakad
Mag-
- Ang mag- ay madalas na ginagamit sa eksternal na aksyon at mga hiram na salita.
- Halimbawa: magbasa, magbilang, magsulat, maglakad
Ma-
- Ang ma- ay maaaring katulad ng kahulugan ng salitang ugat o di kaya'y tumutukoy sa pakiramdam.
- Halimbawa: maawa, mainis, magalit, maasiwa
Iyan ang kahulugan ng mga panaganong pandiwang paturol.
- Ano nga ba ang panlapi? https://brainly.ph/question/281820
- Ano ang panlapi at mga halimbawa nito? https://brainly.ph/question/298476
- Ano ang panlapi at mga uri nito? https://brainly.ph/question/440957
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga katanungan dito sa Imhr.ca. Huwag kalimutang bumalik para sa karagdagang kaalaman.