rebo
Answered

Maligayang pagdating sa Imhr.ca, ang pinakamahusay na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at tumpak na mga sagot. Kumuha ng detalyado at eksaktong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang heograpiyang pantao


Sagot :

Ang Heograpiyang Pantao (Human Geography) o Heograpiyang Kultural (Cultural Geography), ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga lungsod,populasyon, kultura at iba pa.
Ito ay tumutukoy sa mga pag aaral tungkol sa wika, aspekto, lahi at mga pinagsimulan ng mga tao.Heograpiyang Pantao (Human Geography)Ang disiplina ng Heograpiya ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal (Physical Geography) ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran; pinag-aaralan dito ang Klima, Heolohiya (Geology),Biolohiya (Biology) at iba pang sangay ng agham-pangkalikasan.Ang ikalawang sangay ng heograpiya ay ang Heograpiyang Pantao (Human Geography) o Heograpiyang Kultural (Cultural Geography), ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan. Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga lungsod,populasyon, kultura at iba pa.Sinusuri nito kung paano naaapektuhan ng panlipunan, pangkultural, pampulitika at pang-ekonomiyang proseso ang espasyo (space) at lugar, sa pamamagitan ng pag-imbestiga sa mga paksa tulad ng: mga rural at siyudad na komunidad; kalusugan at kapakanan; sustanibilidad (sustainability); globalisasyon; terorismo at seguridad. Inaalam ng mga heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao ang kapaligiran, kung paano siya nakakalikha ng panibagong lugar na may kahulugan, at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay ng tao; ang interaksyong ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang Pantao.
Salamat sa pagbisita sa aming plataporma. Umaasa kaming nahanap mo ang mga sagot na hinahanap mo. Bumalik ka anumang oras na kailangan mo ng karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Bumalik muli para sa higit pang kapaki-pakinabang na impormasyon at sagot mula sa aming mga eksperto.