rebo
Answered

Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng mabilis at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang pinagkaiba ng heograpiyang pantao sa pisikal na heograpiya

Sagot :

Answer:

Heograpiya  

Ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.

Pinagkaiba ng heograpiyang pantao sa heograpiyang  pisikal

1. Heograpiyang Pisikal (Physical Geography)

Ang heograpiyang pisikal ay naglalarawan at nagpapaliwanag ng distribusyon ng mga anyong lupa at anyong tubig sa buong daigdig. Ito ang agham na tumatalakay sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa espero o kapaligiran. Kalimitang interdisiplinaryo ang pananaliksik na ginagawa sa heograpiyang pisikal, at ginagamit ang pagharap sa mga sistema (systems approach kung tawagin sa Ingles).

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pisikal

  • Klima
  • Heolohiya (Geology)
  • Biolohiya (Biology)  
  • Iba pang sangay ng agham-pangkalikasan

2. Heograpiyang Pantao (Human Geography)

Ang heograpiyang pantao ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano niya ito binabago at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.  

Mga Pinag-aaralan sa Heograpiyang Pantao

  • Wika
  • Relihiyon  
  • Lahi  
  • Pangkat-etniko
  • Medisina
  • Ekonomiya
  • Politika
  • Mga Lungsod
  • Populasyon
  • Kultura

Para sa karagdagan kaalaman, magtungo sa link na:  

Kahulugan ng Heograpiya: brainly.ph/question/59176, brainly.ph/question/337842  

Mga Bumubuo ng Heograpiya: brainly.ph/question/598425

#LetsStudy