Sagot :

Kasagutan:

Repleksyon sa Ibong Adarna:

Marami akong bagay na napagtanto matapos basahin ang kwento ng Ibong Adarna.

Napagtanto ko na kapag mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para sa kapakanan niya katulad na lamang ng ginawang paglalakbay ng mga prinsipe upang mahanap ang ibong adarna at mapagaling ang ama nilang may sakit.

Minsan kung sino pa ang taong hindi mo aakalaing mananakit sa iyo ay sila pang gagawa nito sa iyo. Katulad na lamang ng mga nakatatandang kapatid ni Don Juan na tinraydor siya.

Kahit na ginawan ka ng masama ay dapat manatili kang mabuti at mapagpatawad. Kahit na naging masama ang matatanda niyang kapatid sa kanya ay pinatawad pa rin sila at pinagkakatiwalaan ni Don Juan na talaga namang kahanga-hanga.

#CarryOnLearning

#BetterAnswersAtBrainly

View image primrowe