Answered

Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

anu ang mga sanaysay ng buwan ng wika?

Sagot :

Ang programa sa pagpupugay sa watawat na nakatakda sanang idaos sa araw na ito (Agosto 1) sa Mabini Grounds, Malacañang ay ipinagpaliban dahil sa masamang panahon at itinakdang ganapin sa susunod na Lunes, ika-8 ng Agosto 2011.
Magsisilbing hudyat ng pormal na pagbubukas ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito ang programa sa pagpupugay sa watawat.
Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangangasiwa ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ang maikling palatuntunan sa darating na Lunes, Agosto 8 na inaasahang dadaluhan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr., panauhing pandangal sa naturang okasyon at ng ilang opisyal ng Malacañang.
Ang sabayang pag-awit ng 'Lupang Hinirang' ay pangungunahan ni Dr. Miriam P. Cabila ng Sangay ng Leksikograpiya at susundan ito ng panalangin na gagampanan ni Bb. Maria Theresa P. Putungan ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon.
Ang Panunumpa sa Watawat ay pamumunuan ni G. Jomar I. Cañega ng Sangay ng Leksikograpiya na kaagad susundan ng pagpapakilala sa panauhing pandangal at mensahe ni Punong Komisyoner Jose Laderas Santos ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Isang maikli subalit masustansiyang mensahe ang inaasahang ibabahagi ni Executive Secretary Ochoa sa mga dadalo sa naturang pagtitipon.
Ang huling bilang ng palatuntunan ay ang pag-awit ng 'Pilipinas Kong Mahal' na pangungunahan ni Gng. Florencia C. dela Cruz ng KWF na inaasahang sasabayan ng mga dadalong panauhin na kinabibilangan ng mga opisyal at kawani ng Tanggapan ng Pangulo, Komisyon sa Wikang Filipino, at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay alinsunod sa Atas ng Pangulo ng Pilipinas, Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997.
dinaraos ito para igalang ang ating ama ng wika