Answered

Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Tuklasin ang detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Hello po, pwede po bang bigyan mo ako ngayon ng samples ng mga tula para sa wika ng pagkakaisa? Salamat po at pagpalain po kayo :)

Sagot :

tusong Kahirapan, hindi ka namin kinatatakutan
sa kalupitan mo, maghihikahos ma’t gagapang
kami ma’y mamumulubi’t magiging kahabaghabag
mga mithi’t pangarap namin ‘di mo mabubuwag

ngayo’t magpakailanman ulo nami’y ‘di iyuyuko
kami sa iyo’y lalaban hanggang sa kayo’y maigupo
sa mga puso’t diwa namin paninindiga’y ‘di marurupok
‘di hahayaang mga pinapangarap mauuwi lamang sa alabok

minimithing kasaganaha’y abot tanaw na namin
ang nagbabagang araw ngayon sa ami’y lilipas din
libong dusa’t hapis man sa amin ngayo’y nakapaligid
bukas ay liligaya ri’t may tuwang walang patid

ang pagpapagod mo, lahat masasayang lamang
sa kapangyariha’t katusuhan mo kami ‘di malilinlang
kung ang mga abang buhay nami’y kaya mong kitlin
mga puso’t diwa namin ‘di mo magawang pasukuin! hope it helps!