TATAK PINOY Ako’y isang mamamayan ng Perlas ng Silanganan. Wikang Filipino ang nagbubuklod saamin bilang isang matatag at hindi matibag na republika. Ang wikang ito ay laganap sa 7107 na pulo sa bansang Pilipinas.Ipinaglaban ng ating mga namayapang bayani ang kalayaan ng ating minamahal na bansa, kaya sapat lamang na atin itong mahalin. Kasama sa pagmamahal ng bansa ang pagtangkilik natin saating sariling wika. Huwag tayong magpakadayuhan saating sariling bansa. Hindi rin tama na mas marunong tayo sa wikang Ingles kesa sa mismong wika ng ating bayang sinilangan. Saan mang dako ng mundo ika’y palarin, pagmamahal sa wika’y ating panatilihin. Isapuso at isaisip natin ang paggamit sa sarili nating wika.Kung meron man tayong dapat pagyamanin at paglinangin, ito ay ang wikang Filipino. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan natin. Ipagmalaki ang iyong pinagmulan. Ipagbunyi na ikaw ay isang Pilipino.