Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

Slogan tema:wika ng pagkakaisa you can make it in poster so used this sentence #wikang filipino ingatan,alagaan pagkat itoy simbolo ng ating bayan

Sagot :

Sa isang bansa, lalo na kung ito’y pulo-pulo, katulad ng bansang Pilipinas na kung saan-saan nanggaling na karatig-bansa ay hindi pare-pareho ang kultura o ng wikang ginagamit, lubhang napakahirap magkaunawaan ang bawat isa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan ang bawat isa upang madaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Halimbawa sa mga paaralan, upang madaling maunawa ang mga aralin sa mga paaralan, maging pampubliko man o pribadong paaralan, ay gumagamit ng isang wika. Sa mga nagdaang pangulo ng Pilipinas, unang nakapuna na mahirap magkaunawaan kaya naisipan nilang ipatupad ang nasabing batas na nag-uutos na isa lang ang gagamiting wika. Ito ay upang lubos na magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon kung magkaroon ng pagpupulong o sesyon ng bawat mambabatas. Ang unang pangulong nagsaad ng batas na ito ay ang dating pangulong Manuel L. Quezon, na siyang itinuring na “Ama ng wikang pambansa”. Buhat noon at sa kasalukuyan ay ang wikang Pilipino ang siyang ginagamit sa lahat ng antas ng paaralan, magmula kinder at elementarya, hanggang sa kolehiyo o hanggang sa makatapos ng isang kurso ng isang mag-aaral, maging sa politika,.