amma
Answered

Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

ano ang panghalip na patanong?

Sagot :

Answer:

Ang panghalip na patanong ay mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugan itong "pantanong" at ito ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun. Ito ang mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa. May isahan at maramihan ang panghalip na pananong. 

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/554044

https://brainly.ph/question/797194

Mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan at maramihan:

  • Isahan: ano, sino, nino, alin, magkano at kanino.  
  • Maramihan: anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-alin, magka-magkano, kani-kanino. 

Para sa karagdagang impormasyon maaaring sumangguni sa link na ito:

https://brainly.ph/question/2266867

Halimbawa sa isahan:

  1. Ano ang bibilhin mo?  
  2. Sino ang kasama mo?  
  3. Bibisitahin nino ang mga bata sa ampunan?  
  4. Magkano ang bili sa bago mong PSP?  
  5. Kanino mo hiniram ang aklat na iyan? 

Halimbawa sa maramihan:

  1. Anu-ano ang pinamili mo sa palengke?  
  2. Sinu-sino ang kasama mo sa pamamasyal?  
  3. Pupuntahan ninu-nino ang mag-aaral na may sakit? 
  4. Alin-alin ang dapat ipunin?  
  5. Magka-magkano ang ibinigay niyang aguinaldo sa mga bata?  
  6. Kani-kanino ipinamigay ang mga relief goods?
Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.