Tuluyan at Patula
Tuluyan ang tawag sa anyo ng panitikan na walang natatanging anyo at walang ritmo. Karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan. Maaring gamitin sa pahayagan, media, liham, kasaysayan, pilosopiya, at talambuhay. Patula naman ang tawag sa panitikan na masining na pinagsama - sama. Bumubuo sa isang taludtod at may sukat at tugma.
Narito ang ilan sa mga pagkakaiba ng tuluyan at patula:
- Ang tuluyan ay walang natatanging anyo at walang ritmo samantalang ang patula ay may sukat at tugma.
- Ang tuluyan ay tulad ng pang araw - araw na komunikasyon samantalang ang patula ay itinatanghal sa isang takdang panahon.
- Ang tuluyan ay ginagamit sa paglalarawan samantalang ang patula ay masining na paglalarawan.
- Ang tuluyan ay nagtataglay ng katotohanan samantalang ang patula ay kathang - isip lamang.
Ano ang panitikan: https://brainly.ph/question/105126
Ano ang dalawang anyo ng panitikan: https://brainly.ph/question/566031
#LearnWithBrainly