PAANO ANG TAMANG PAGSULAT NG SANAYSAY PARA SA A&E EXAMINATION: Ang pagsulat ng sanaysay ay isa sa mga karaniwang ipinagagawa ng isang guro upang sanayin ang mga mag-aaral sa paglikha ng isang sulatin. Ang guro ay karaniwang nagbibigay ng mga paksang pagpipilian upang maging tema ng sulatin na gagawin ng mag-aaral. Ang tema ay maaaring isang sitwasyon o kaganapan o pwedeng isang tao o kagamitan na may kaugnayan sa pang araw-araw na pamumuhay.Ang balangkas ng isang sanaysay ay kinapapalooban ng panimula, katawan at pangwakas na bahagi. Sa panimula ay dapat mong ipaalam ang iyong pangunahing punto at ipaliwanag kung bakit ang paksang ito ay mahalaga. Sa bahaging katawan ay dapat mong talakayin nang sunod-sunod ang mga pangalawang punto na tumutulong upang patunayan o suportahan ang iyong pangunahing punto. pangalawang punto sa pinaikling paraan.Para makabuo ng isang sanaysay,