Makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Itanong ang iyong mga katanungan at makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Maranasan ang kaginhawaan ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga bihasang propesyonal sa aming platform.

sino po bah si alexander the great? 

Sagot :

Kasagutan:

Alexander The Great

Si Alexander the Great ay ang hari ng Macedonia. Si Alexander ay anak nina Philip II at Olympias na ikawalong asawa ni Philip. Si Alexander ay pinalaki sa paniniwala na siya ay kadugo ng mga magigiting na bayani at mga diyos.

Malinaw naman na ang kanyang ama na si Philip II ay may malaking impluwensya sa kanya, ngunit pinili mismo ni Alexander na tingnan ng mga tao ang kanyang tagumpay bilang sugo ng diyos. Tinawag din ni Alexander ang kanyang sarili na anak ni Zeus, at itinuring ang kanyang sarili bilang demigod na nauugnay daw ang kanyang dugo sa mga paborito niyang Greek god na sina Hercules at Achilles.

#AnswerForTrees

Answer:

Alexander the Great

- Si Alexander III ay mas kilala sa tawag na Alexander the Great. Siya ay ang Hari ng Macedonia sa kaniyang panahon. Sinundan niya ang yapak ng kaniyang amang si Haring Philip II. Ipinanganak si Alexander the Great noong 356 B.C. sa Pella at namatay noong 323 B.C. Nagkaroon ng dalawang asawa si Alexander the great, Ang prinsesang si Roxana ng Bactria at si Prinsesa Stateira ng Persia. Tinaguriang "Prinsipe ng Asya" si Alexander sapagkat madami syang sinakop na bansa at siya din ang pinakamatagumpay na pinuno at Lahat ng labanan ay naipanalo niya kaya siya tinawag na "The Great".

#AnswerForTrees