Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at tumpak. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

ano ang ibig sabihin ng sanaysay?

Sagot :

Sanaysay simply means isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
Ang sanaysay sa english ay Essay which means a short analytic, descriptive, or interpretive piece of literary. It can also be a journalistic prose dealing with a specific topic, especially from a personal and unsystematic viewpoint.
Sinasabing ang sanaysay ay isang tangka sa paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa buhay at iba't ibang sangay nito. Naiiba sa makata ang manunulat ng sanaysay sa dahilang hindi siya nakatali sa mga pamantayan ng porma, sukat, tugma o talinghaga. Malaya siyang lumilikha ng kahit anong paksang nais niyang ipahayag na bunga ng kanyang pagmamasid, pag-iisip at pagkakasangkot sa halos lahat ng mga bagay sa kanyang kapaligiran. May layunin itong maglahad ng pansariling damdamin at kurokuro ng kumatha sa makatwirang paghahanay ng kaisipan. Nagpapaliwanag din ito ng mga pansariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa. At kung minsan, may layunin itong makapagpaabot ng pagbabago, makalibang at makahikayat ng mambabasa (mula sa Timbulan II nina C. Javier, N. Dillague, S. Marquez Jr. at L. dela Cruz Jr.)
Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matatalinong pagkukuro. Ito'y makatwirang paghahanay ng mga kaisipan at ng damdamin ng sumusulat ayon sa kanyang karanasan, kaalaman at haka-haka. (mula sa Gintong Pamana - Wika at Panitikan nina L. Nakpil at L. Dominguez)   
ito ay mula sa aking note book