Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.
Sagot :
Subject: Filipino
Answer:
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
1, ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa lamang. Ngunit nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.
2. Ang tambalang pangungusap ay nagtataglay ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa.
3. Ang Hugnayang pangungusap naman ay may sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di- makapag-iisa. Kadalasang ang mga sugnay na di makapag-iisa ay ginagamitan ng mga panandang pangkayarian ( ngunit, nang, kung, subalit, upang, di umano, bagama’t at iba pa).
4. Ang langkapang pangungusap naman ay may dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o dalawa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN
1. Ang pangungusap na paturol ay yaong mga pangungusap na nagsasalaysay ng isang katotohanan batay sa tunay na nangyayari o naganap. Ito ay karaniwang nilalagyan ng tuldok sa hulihan(.) bilang panapos na pangungusap.
2. Ang pangungusap na Patanong ay nagpapahayag ng pag-uusisa o patanong. Gumagamit ito ng bantas na panandang pananong (?).
3. Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap. Ito ay gumagamit ng bantas na tuldok(.) o maaari rin namang gumagamit ng panandang pananong(?).
4. Ang pangungusap na padamdam naman ay gumamit ng bantas na padamdam(!) upang ipahayag ang masidhing damdamin, pagkagulat o pagkabigla.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, buksan ang link na nasa ibaba
Uri ng pangungusap: brainly.ph/question/2070363
Uri ng pangungusap at halimbawa ng mga ito: brainly.ph/question/2119076
2 uri ng pangungusap: brainly.ph/question/1379957
Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa paggamit ng aming plataporma. Layunin naming magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Bumalik kaagad. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.