Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Maranasan ang kadalian ng pagkuha ng mabilis at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa mga propesyonal sa aming platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon.

Ano ang kahalagahan ng mga kagubatan sa isang bansa?

Sagot :

ncz
KAHALAGAHAN NG KAGUBATAN

- Maraming produkto ang nanggagaling sa mga puno sa ating kagubatan tulad ng goma, papel, troso, tissue paper, tabla, kahoy para gawing muwebles, mga herbal na gamot, produktong handicraft, at marami pang iba.

Kung mamumutol ang mga tao ng mga puno at halaman ay dapat na palitan ang mga ito. Dapat magtanim muli upang hindi makalbo ang kagubatan.


- Nagsisilbing tirahan ng mga maiilap at mababangis na hayop, mga endagered species tulad ng Philippine Eagle o Monkey Eating Eagle, papan, lagaran, kagit (blue-naped parrot), sabukot. 

Lagi dapat nating sinusiguro ang kaligtasan at kabuhayan ng mga buhay sa kagubatan. Hindi dapat nasusunog o nakakalbo ang gubat para sa kanila.


- Nagbibigay proteksyon sa mga watershed na pinanggagalingan ng malinis na tubig na kailangan ng tao.

Hindi dapat tapunan ng mga toxic at basura ang kagubatan.


- Nagbibigay hanapbuhay sa mga tao sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga produkto galing dito.

Tinatangkilik dapat ang mga produkto nito upang ang iikot na pera sa mga kalakal na ito ay pantanim din ng mga bagong puno't halaman.


- Nagbibigay din ito ng balanseng ekolohikal sa kapaligiran kaya kinakailangang pagtuunan ito ng pansin at bigyan ng kasagutan ang mga suliraning kinakaharap nito.
Pinahahalagahan namin ang iyong oras sa aming site. Huwag mag-atubiling bumalik kailanman mayroon kang mga karagdagang tanong o kailangan ng karagdagang paglilinaw. Salamat sa pagpunta. Nagsusumikap kaming magbigay ng pinakamahusay na mga sagot para sa lahat ng iyong mga katanungan. Kita tayo muli sa susunod. Nagagalak kaming sagutin ang iyong mga tanong. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot.