Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng tamang impormasyon. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na hanay ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na platform.

ano ang kahulugan ng melodrama?

Sagot :

Kahulugan ng Melodrama

Ang melodrama ay isang uri ng dula. Ito'y tumutukoy sa isang dula na may malulungkot na sangkap o bahagi. Bagamat malungkot ang mga pangyayari rito, ang wakas nito'y kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan. Ang dulang ito'y humihikayat ng pagkaawa sa protagonista at pagkamuhi sa antagonista. Isang halimbawa nito ay Sarimanok ni Patrick C. Fernandez.

Mga Uri ng Dula

Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan. Bukod sa melodrama, may iba pang uri ng dula. Narito ang ibang uri nito at kanilang kahulugan:

  • Trahedya - Ang tema ng dulang ito ay mabigat at nakakaiyak. Ang mga tauhan ay kadalasang nasasadlak sa kabiguan at kamalasan. Ito ay nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.

  • Parsa - Ito ay naglalayon na magpatawa sa pamamagitan ng mga pananalitang nakakatawa. Ito ay gumagamit ng eksaheradong pantomina at clowning.

  • Komedya - Ang dulang ito ay nagpapahayag ng mga biro, nakakatawang kilos o iba pang sangkap na nakatutuwa. Ang wakas nito ay kasiya-siya. Ito ay kaiba sa parsa dahil ito ay higit na seryoso at kapanipaniwala.

  • Saynete - Ang paksa ng dulang ito ay karaniwang mga ugali.

Pagkakatulad ng melodrama sa iba pang uri ng dula:

https://brainly.ph/question/174377

#LearnWithBrainly

Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.