Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Ang aming platform ay nag-uugnay sa iyo sa mga propesyonal na handang magbigay ng eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.

MGA HALIMBAWA NG HAIKU

Sagot :

Mga Halimbawa ng Haiku

Ang haiku ay isang uri tula na mula sa mga Hapon. Hokku ang unang pangalan nito. Marami ng bersyon ang haiku pero ang karaniwang bersyon nito ay may tatlong linya. Ang bilang ng pantig ay 5-7-5 o may kabuuang bilang na 17 na pantig. Ito ay maaaring may tugma o wala. Ang haiku ay maikli lamang, ngunit naglalaman ito ng damdamin ng manunulat.

Narito ang ilang halimbawa ng haiku:

"Wala ng iba

Ikaw lamang at ako

Pang habang buhay."

"Sa dulo nito

Ikaw lamang at ako

Hindi bibigo."

"Ang payo ko lang

Makipagkaibigan

Sa maiinam."

"Diwa ko’t puso

Ay para lang sa iyo

Minamahal ko."

"Pag-aasawa

Di kaning iluluwa

Kapag ayaw na."

Para sa dagdag na halimbawa ng haiku, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/2348671

#BetterWithBrainly