Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Tuklasin ang isang kayamanan ng kaalaman mula sa mga propesyonal sa iba't ibang disiplina sa aming madaling gamitin na Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

ano ang naiambag ni andres bonifacio para makamit ang kalayaan

Sagot :

ncz
Si ANDRES BONIFACIO ay isang Pilipinong rebolusyonaryon na binansagang "Ama ng Katipunan". 

Siya ang nagtatag at lumaon tinawag na "Supremo" ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa mananakop na Espanyol at siya ang nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.

Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang ang unang Pangulo ng Pilipinas pero hindi siya opisyal na kinikilala.

Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag niya ang Katipunan o kilala rin bílang "Kataastaasan, Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK).  Isang lihim na kapisanang mapanghimagsik ang KKK na itinaguyod niya at hindi naglaon ay naging sentro  ito ng hukbong Pilipinong mapanghimagsik.

Noong 23 ng Agosto taong 1896 sa maliit na baryo ng Pugad Lawin sa Balintawak, tinipon niya ang kanyang mga Katipunero at isa-isa nilang pinunit ang kanilang mga sedula bilang isa sa paraan ng kanilang paghihimagsik.
View image ncz