Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Naipakikita ang pakikisama sa ____________.
A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng
loob sa ibang miyembro ng pangkat
D. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit
hindi sang-ayon ang iba pang miyembro
2. Ikaw ay madalas na pinapayuhan ng iyong magulang na pumili ng tamang
kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mo mag-desisyong mag-isa,
susundin mo ba ang iyong magulang?
A. Depende sa kaibigan na ayaw akong pasamahin
B. Gagawin ko ang gusto ko, ako naman ang pipili ng kaibigan
C.Pag-iisipan ko. Gusto ko din kasing mag-desisyon ng mag-isa
D.Susundin ko.Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng
magulang para sa kanilang anak.
3. Ano ang ibig sabihin ng salitang impormasyon?
A. Pag-uugali ng isang tao.
B. Lahat nang nabanggit ay tama.
C. Pagdedesisyon ng tama ukol sa ginagawang mali.
D. Nagpapahiwatig ng detalye ukol sa isang sitwasyon, tao, lugar,
pangyayari at iba pa.
4. May kampanyang isasagawa ang mga kabataan para sa paglilinis ng parke.
Ano ang gagawin mo?
A. Di makialam sa programa
B. Lalahok lamang kung pipilitin
C. Lalahok ka kung kasama mo ang iyong mga kaibigan
D. Sasalihan mo ito at yayain ang mga kaibigan na sasali na rin.
5. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat __________.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagka makatwiran sa mga naapektuhan ng
pasiya
6. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagsasaliksik ng tamang
impormasyon?
A. maging sikat sa lipunan
B. matiyak ang katotohanan
C. magkaroon ng mga kaibigan
D. wala sa lahat nang nabanggit
7. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ___________.
A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na sumusuporta
sa iyong personal na pananaw
8. Ang paaralan ay mayroong alituntunin na hindi na papasukin ang mga
magulang sa loob sa paghatid sa kanilang mga anak. Bilang mag-aaral,
ano ang dapat mong gawin?
A. Magpapatulong ako sa radyo.
B. Hindi na ako papasok sa paaralan.
C. Papasok ako sa paaralan na mag-isa.
D. Iiyak ako kapag hindi ko kasama ang aking nanay.
9. Paano nakatutulong ang panonood ng balita sa ating araw-araw na
pamumuhay?
A. Magkaroon ng malayang pag-iisip
B. Makapaghanap ng maraming kaibigan
C. Makisama sa mga gawain sa barangay
D. Malaman ang mga kaganapang nangyayari sa lipunan
10. Ano-anong mga sangguniang pinagkukunan ng wastong impormasyon?
A. magulang, kaklase, kompyuter
B. kamag-anak, radyo, kapit-bahay
C. kapit-bahay, magulang, kapatid
D. ensayklopedya, internet, telebisyon