Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Kumuha ng agarang at mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at eksakto.
Sagot :
SAGOT:
Ano ang kasingkahulugan ng naulinigan?
Ang kasingkahulugan ng salitang naulinigan ay nadinig/narinig o napakinggan.
Ang naulinigan ay salitang Tagalog na kapag isinalin sa wikang Ingles ay heard. Ang ibig sabihin naman nito ay kung saan ay may naramdaman o natanggap na tinig gamit ang tainga.
Halimbawa ng naulinigan, nadinig/narinig at napakinggan sa salita:
1. Siya ay may naulinigan na tinig mula sa kabilang silid.
-- Siya ay may napakinggang tinig mula sa kabilang silid.
2. Kahit na malayo sila sa akin ay naulinigan ko pa rin ang kanilang mga boses.
-- Kahit na malayo sila sa akin ay narinig ko pa rin ang kanilang mga boses.
3. Aking naulinigan at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
-- Aking napakinggan at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
--- Aking narinig at naintindihan ang lahat ng iyong binigkas kanina.
Halimbawa ng naulinigan sa salita na may pagsasalin sa Ingles:
1. May naulinigan akong kumakatok sa aking silid.
-- I heard someone knocking on my door. --
2. Naulinigan ko ang boses ng nanay ko na tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi ko siya mahanap.
-- I heard the voice of my mother calling my name but I can't find her. --
#AnswerForTrees
#CarryOnLearning
#VerifiedAndBrainly
Salamat sa pagtitiwala sa amin sa iyong mga katanungan. Narito kami upang tulungan kang makahanap ng tumpak na mga sagot nang mabilis at mahusay. Salamat sa iyong pagbisita. Kami ay nakatuon sa pagtulong sa iyong makahanap ng impormasyon na kailangan mo, anumang oras na kailangan mo ito. Maraming salamat sa paggamit ng Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa mga kasagutan sa inyong mga tanong.