Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Maranasan ang kadalian ng paghahanap ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na komunidad ng mga propesyonal. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

ang epekto ng pagsali sa fraternity essay

Sagot :

Ano ang epekto ng pagsali sa fraternity?

Ang epekto ng pagsali sa fraternity ay maaaring makapagdulot ng mabuti o masama sa isang myembro depende sa samahan na kanyang sasalihan. Ang mga mabubuting epekto ng pagsali sa fraternity ay ang

1.  pagkakaroon ng bagong mga kaibigan at kakilala.

• Marami sa mga kabataan ang nais magkaroon ng mga bagong kaibigan at kakilala upang kanilang maipahayag ang kanilang mga saloobin, interest at pangarap na hindi nila naipapahayag sa kani-kanilang mga magulang.  

2. Nakatutulong din ito sa pagbuo ng lakas ng loob at tiwala sa sarili.  

• Sa ganitong paraan, mas nagiging komportable na ipahayag ng isang myembro ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga kapwa sa fraternity na kalaunan ay maisasagawa rin niya sa iba pang mga gawain sa paghubog ng sarili.  

3.  Pagkakaroon ng kapatiran at samahan, na kung saan ang isang myembro ay nagiging kabahagi ng mga programa at tulong na ipagkakaloob sa mga tao lalo na sa mga nangangailangan.  

• Ito rin ay maaaring magamit sa pag-apply ng trabaho na kung saan mas mapapabilis ang pagproseso lalo na kung ang nagmamay-ari at mga empleyado ng isang kumpanya ay kabilang sa isang fraternity.

Narito naman ang mga negatibong epekto ng pagsali sa fraternity ng isang tao.  

1. Una, ito ay maaaring makaabala sa iyong regular na gawain sa pang-araw-araw dahil maaaring mangailangan ito ng oras at panahon upang maisagawa ang mga patakaran at alituntunin ng fraternity.

2.  Pangalawa, ito ay maaaring makapagdulot ng kapahamakan sa sarili at sa kapwa. Ang mga sumasali ay kadalasang pinapagawa ng mga pagsubok o hamon upang mapatunayan na ang sarili ay karapat-dapat sa fraternity.  

3. Kapag ito ay nagawa, magkakaroon na naman ng mas mahirap na pagsubok at mga gawain. Subalit kung hindi ito magagawa, maaaring maparusahan ang mga sumasali o mga kasamahan at magsasakripisyo ang bawat isa. Pangatlo, ang mga patakaran ay maaaring labag sa sariling pananaw at prinsipyo ngunit dahil sa fraternity ito gagawin na lamang at susundin alang-alang sa samahan.

gang at fraternity?

brainly.ph/question/1317804

brainly.ph/question/1385676

brainly.ph/question/963587