Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan nang madali sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Itanong ang iyong mga katanungan at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang disiplina. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa dedikadong komunidad ng mga eksperto sa aming Q&A platform.

Ano ang ibig sabihin ng Kiyas?

Sagot :

Answer:

Ano ang ibig sabihin ng Kiyas?

Ang kiyas ay salita sa wikang Filipino na madalang gamitin. Dalawa ang maaaring kahulugan ng salitang ito ayon sa gamit nito sa pangungusap. Ito ay:

  • Magandang ugali o itsura - naglalarawan ito ng katangian ng tao na kaaya-aya at katanggap-tanggap. Makikita sa kanya ang maayos na pananalita at kilos.
  • Hubog o ayos ng katawan - ginagamit rin ang salitang kiyas upang ilarawan ang ayos ng katawan.

Halimbawa ng pangungusap gamit ang Kiyas

  • Bilang paglalarawan ng magandang ugali o itsura:

          Ang kanyang magandang kiyas ang bumighani sa akin.

         Hindi mo pag-iisipang gawan siya ng masama dahil sa kanyang kiyas.

          Mahal siya ng maraming tao dahil sa kanyang kiyas.

          Maliit pa lamang ay kinakitaan na siya ng magandang kiyas.

          Ang kanyang kiyas ang dahilan kung bakit siya niregaluhan.

  • Bilang paglalarawan ng hubog ng katawan

          Siya ang nanalo sa patimpalak dahil sa kanyang kiyas.

          Marami ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang kiyas.

          Ang kanyang kiyas ay unti-unting nagbabago.

         Uminom ka ng maraming gatas upang tumibay ang iyong kiyas.

         Ang pag-eehersisyo ay makatutulong sa iyong mapabuti ang kiyas.

Para sa iba pang impormasyon tungkol dito, maaaring buksan ang link sa ibaba:

  • Ano ang kahulugan ng kiyas https://brainly.ph/question/521937

#BetterWithBrainly