Ang Imhr.ca ay tumutulong sa iyo na makahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan mula sa isang komunidad ng mga eksperto. Tuklasin ang libu-libong tanong at sagot mula sa mga eksperto sa iba't ibang larangan sa aming Q&A platform. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

paano nagkaiba Ang alamat sa mito​

Sagot :

Answer:

Pagkakaiba ng Alamat sa Mito

Alamat

Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang sa kasalukuyan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahinasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat.  

Ang alamat ay may kasamang katotohanan sa kwento gaya ng pangunaing tauhan. Ang mga alamat ay kadalasang tungkol sa mga gawaing kabayanihan ngunit kung minsan naman ay tungkol sa kasamaan na may aral na ipinahihiwatig sa tao. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.  

Mito

Ang salitang mito ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa salitang Greek na muthos na ang kahulugan ay kwento. Ang mito ay mga kuwentong bayan na kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga tao patungkol rin ito sa mga diyos at diyosa.