Answer:
1. Ang kilos ay isang gawain ng tao, bawat paggalaw na iyong ginagawa ay isang kilos.
2.●Kamangmangan
Dahil sa kamangmangan o pagiging walang alam ang anumang gawain na hindi pinag-iisipan ay nagdudulot ng hindi magandang kalalabasan.
●Masidhing Damdamin
Ang pagkilos na gamit ang damdamin na hindi pinag-iisipan lalo na kapag galit ay maaring magresulta ng maling kilos at resulta na maaring makaapekto sa layunin ng pagkilos.
●Takot
Ang matinding takot ay nagsisilbing hadlang upang mailabas ang katotohanan. Kahit gaano kaganda ang iyo gagawing pagkilos kung ang takot ang nasa puso matatakluban lang layunin mo na dapat maisagawa.
●Karahasan
Ang Pagkilos ng bayolente ay hindi tama kahit ang gusto mo ay makaganti sa kapwa. Ang pagkilos ng may karahasan ay maaring magresulta rin ng karahasan.
●Gawi
Ang mga gawi ay maaring makaapekto sa ating layunin lalo na sa makataong kilos, isipin ang mga binabalak at dapat gawain bago humantong sa maling resulta.