PARABULA NG LAPIS
Halaw
Isang araw, bago ilagay ng tagagawa ng lapis sa kahon ang isang lapis,
inilagay niya muna ito sa tabi.
"May limang bagay kang dapat tandaan," sabi niya sa lapis, "bago kita ipadala
sa mundo, lagi mong tatandaan ang mga bagay na sasabihin ko sa iyo at ikaw ay
magiging pinakamahusay na lapis.
"Una ikaw ay makagagawa ng maraming bagay kung hahayaan mong ikaw ay
nasa kamay ng tao.
"Pangalawa: ikaw ay makararanas ng masasakit na pagtatasa; ito ay upang
gawin kang maging isang mas mahusay na lapis.
"Pangatlo: maaari mong itama ang mga maling iyong magagawa.
"Pang-apat ang pinakamahalagang bahagi mo ay laging nasa loob.
"Panglima: kailangan mong mag-iwan ng bakas kung saan ka man gagamitin.
Anuman ang mangyari, ikaw ay dapat na magpatuloy sa pagsulat."
Naunawaan ng lapis ang sinabi ng maygawa sa kanya at nangakong hindi niya
ito kalilimutan. Pumasok siya sa kahon kasama ang layunin sa kanyang puso.
KABUTIHAN
KATOTOHANAN
KAGANDAHANG-ASAL