Ang Imhr.ca ay ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng mapagkakatiwalaang sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga propesyonal sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

nuto: Isulat sa loob ng kahon ang dapat gawin ng mga mamamayan
sa mga babala ng bagyo o Signal Waming tuwing may
dadapo na bagyo sa isang lugar.​

Sagot :

MsRica

Answer:

Public Storm Warning Signals:

Signal #1

Mga dapat tandaan:

Apektado ng bagyo ang lokalidad

May bilis na 30-60 kph ang hanging dala ng bagyo na mararanasan sa loob ng 36 oras. May dala ring pabugsu-bugsong pag-ulan. Maaaring umiksi ang pagitan ng mga bugso ng hangin, depende sa lapit ng bagyo.

Pag-iingat at paghahanda:

Maaring tumaas ang antas ng babala habang lumalakas ang bagyo o mas lumalapit sa apektadong lugar

Posibleng tumaas ang mga alon sa dagat

Konsultahin ang weather bulletin mula sa PAGASA na inilalabas tuwing ikaanim na oras. Maliban kung patuloy na lalakas ang hangin at titindi ang pag-ulan, walang dapat ipangamba kapag may Signal No. 1.

Naka-alerto ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa disaster preparedness

Signal #2

Mga dapat tandaan:

Apektado ng bagyo and lokalidad

May bilis na 60 hanggang 100 kph ang hanging mararanasan sa loob ng 24 oras

Pag-iingat at paghahanda:

Mapanganib ang dagat at baybaying dagat para sa maliliit na sasakyang pandagat

Maging alerto sa pinakahuling ulat, kagaya ng posisyon, bilis o bugso ng paggalaw at lakas ng hangin ng papalapit na bagyo

Iwasan ang magbiyahe, lalo na sa dagat at himpapawid

Iwasan ang mga gawain sa labas ng bahay

Simulang ihanda ang mga gamit na kakailanganin sa posibleng paglakas ng bagyo, tulad ng tubig, kandila, at pagkain

Umiikot na ang disaster preparedness agencies para abisuhan ang mga apektadong komunidad

Signal #3

Mga dapat tandaan:

Apektado ng bagyo ang lokalidad

May bilis na 100 hanggang 185 kph ang hanging dala ng bagyong paparating sa loob ng 18 oras

Pag-iingat at paghahanda:

Magiging mapanganib sa mga apektadong lokalidad

Delikadong maglayag ang anumang sasakyang pandagat

Mapanganib ang pagbiyahe, lalo na sa dagat at himpapawid

Dapat lumipat sa matibay na gusali ang mga tao

Dapat lumikas ang mga nasa mababang lugar at lumayo sa mga pampang at ilog

Bantayan ang pananalasa ng bagyo

Kapag tumama mula sa hilaga ang mata ng bagyo sa komunidad, manatili sa ligtas na lugar. Matapos ang isa o dalawang oras, muling mararamdaman ang matinding hangin at ulan, galing naman sa timog.

Suspendido ang lahat ng klase. Ang mga bata ay dapat manatili sa loob ng matitibay na gusali.

Handa ang disaster preparedness at response agencies/organizations sa aktuwal na emergency

Signal #4

Mga dapat tandaan:

Isang matinding bagyo ang sasalpok sa lokalidad

Papasok sa loob ng 12 oras ang bagyong may dalang hangin na 185 kph ang bilis

Pag-iingat at paghahanda:

Magdadala ng malaking pinsala sa komunidad ang bagyo

Ipagpaliban ang lahat ng biyahe at mga gawain sa labas

Dapat na maagang lumikas ang mga maapektuhang pamilya upang maiwasan ang panganib

Sa signal number 4, ang lugar ay inaasahang tuluyang tatamaan ng mata ng bagyo. Habang papalapit ang mata ng bagyo, patuloy na magiging masungit ang panahon. Magiging malakas ang hanging galing sa hilaga. Matapos nito, bubuti ang panahon at hihina ang hangin nang isa hanggang dalawang oras. Ibig sabihin, ang lokalidad ay nasa gitna ng mata ng bagyo. Kapag lumampas na ang mata ng bagyo, muling iihip nang malakas ang hangin, mula naman sa katimugan.

Ang mga disaster management agencies ay abala na sa pagtugon sa emergencies at kalamidad.

Explanation:

I hope it helped. pa follow na lang po :)

Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.