Answer:
Marami ang sinisimbolo ng logo ng probinsya ng Rizal at ito
ay ang mga sumusunod:
·
Ang araw, dahon ng laurel at kalapati ay tumutukoy sa
kapayapaan at katahimikan.
·
Ang korona naman ay simbolo ng debosyon sa birheng
Maria.
·
Ang krus ay sa paniniwala sa Kristiyanismo.
·
Ang sandok at ang malawak na bukirin bilang pagkilala
sa industriyal at agrikultural na paglago ng probinsya.
·
Ang katubigan ay simbolo ng Laguna de Bay na
pinagkukunan ng pagkain at kuryente ng mga taga-Rizal.
·
Ang lubid sa simbolo ay nagpapakita ng pagkakaisa at
pagtutulunga.
·
Ang satellite disc, linya ng kuryente at ang gear ay
sumisimbolo ng global na ugnayan, komunikasyon at industriyal na pag-unlad.
·
At sa gitna naman ang debuho ni Jose P Rizal, kung
saan ipinangalan ang probinsya.
Sa kabilang banda naman, ang simbolo ng Laguna ay naglalaman
ng mga simbolismo ukol sa mga pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan –
lawa, mga puno ng niyog, pangingisda, at ang nakapaligid sa kanilang mga
bulubundukin.
Explanation: