Answer:
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain. Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan, at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa malawakang monokulturang pagsasaka.
Explanation: