Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan maaari kang makakuha ng mga sagot mula sa mga eksperto. Itanong ang iyong mga katanungan at makakuha ng eksaktong sagot mula sa mga propesyonal na may malawak na karanasan sa iba't ibang larangan. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.
Sagot :
Answer:
Sinaunang Paniniwala at kaugalianMataas ang paggalang ng mga sinaunang Pilipino sa mga kaluluwa ng kanilang mganinunong pumanaw na. Naniniwala rin silang sagrado ang mga kabunduan, mga ilog athalamang-gamot, malalaking punungkahoy, kwebang sambahan, mabababangis nahayop. Higit ang pagkilala nila sa mga espiritu ng kanilang mga ninuno, kung kaya’tinaalayan nila ang mga ito ng pagkain at papuring awitin o pananalangin. Naniniwalarin sila sa kabilang buhay. Patunay nito ay ang inanyuang dalawang tao nanamamangka sa takip ng tapayang Manunggul na pinangangahulugang paglalakbaypatungo sa kabilang buhay.Bawat kapuluan ay may sari-sariling paniniwala. Katunayan, iba-iba ang mgakatawagan nila sa kanilang mga Diyos: Abba sa mga Cebuano, Kabunian sa mgaIlokano, Bathala sa mga Tagalog, at Laon sa mga Bisaya. May iba-iba ring katauhanang kanilang diyos tulad nina Sidapa, naghaharing diyos sa langit ng mga Bisaya;Sisiburanen, naghaharing diyos sa impyerno ng mga Bisaya; Hayo, diyos ng karagatanayon sa mga Tagalog; at Dian Maslanta, diyos ng pag-ibig ayon sa mga Tagalog. Angseremonya sa pag-aalay sa mga diyos o anito ay pinangungunahan ng tinatawag nilangkatalonan sa Tagalog at babaylang sa Bisaya, ang mga ito’y maaaring lalaki o babae napinaniniwalang tagapamagitan sa sinasamba.Kaugalian sa Kasal – May kanya-kanyang paraan ng pagdaraos ng kasalan ang mgasinaunang Pilipino sa bawat kapuluan. Kadalasan, sa bahay ng datu ang tagpuan ngmga kamag-anak ng ikakasal. Ang nakatakdang babaylan (o baylanes) o katalonan(catalonan) ay magsasagawa ng seremonya ng kasal.
Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Ipinagmamalaki naming magbigay ng sagot dito sa Imhr.ca. Bisitahin muli kami para sa mas marami pang impormasyon.