Dinastiyang Shang
Explanation:
Ang Dinastiyang Shang (Tsino: 商朝; pinyin: Shāng cháo) o Dinastiyang Yin (Tsino: 殷代; pinyin: Yīn dài), ayon sa tradisyonal na historyograpiya, ay namahala sa lambak ng Ilog Dilaw sa ikalawang milenyo BK, sumunod sa Dinastiyang Xia at sinundan ng Dinastiyang Zhou. Ang klasikong pahayag tungkol sa mga Shang ay nanggagaling sa mga teksto tulad ng Aklat ng mga Dokumento, Mga Salaysay sa Kawayan at Mga Talaan ng Dakilang Historyador. Ayon sa tradisyonal na kronolohiya na batay sa mga kalkulasyon na ginawa noong humigit-kumulang 2,000 taon na ang nakakaraan ni Liu Xin, ang Shang ay namahala mula 1766 hanggang 1122 BK, ngunit ayon sa mga kronolohiya batay sa mga "kasalukuyang teksto" ng Mga Salaysay sa Kawayan, sila ay namahala mula 1556 hanggang 1046 BK. Pinetsahan sila ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou mula sa c. 1600 hanggang 1046 BK.