Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang mga ito.Piliin ang tamang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian.Titik lamang ang ilagay bilang kasagutan.PAGKATAPOS ay kunin ang pang-abay na makikita sa loob ng pangungusap.
a. Pang-abay na Pamanahon
b. Pang-abay na Pamaraan
c. Pang-abay na Panlunan
d. Pang-abay na Pang-agam
e. Pang-abay na Panang-ayon
f. Pang-abay na Pananggi
g. Pang-abay na Pamitagan
h. Pang-abay na Pampanukat
i. Pang-abay na Panulad
1. Tila pagod na ako sa iyong pagsisinungaling.
2. Hindi ako sang-ayon sa iyong pagsisinungaling sa iyong kaibigan.
3. Mamayang-gabi ko na lamang siya kakausapin.
4. Mabilis maglakad ang mga taong matatangkad.
5. Isang libong magagandang babae ang dumalo sa paligsahan.