Answer:
1.Si Tang ang tagapagtatag ng Shang; ay gumamit ng mga aral mula sa mga labi ng nakaraang dinastiya, trinato niya nang mabuti ang kanyang mga mamamayan at gumamit ng maraming magagaling at matatalinong ministro.
2.Nagkamit ng malaking progreso ang Shang sa ekonomiya, teknolohiya, kultura at politika sa panahon ng paghahari ni Tang.
3.Dahil sa tunggaliang pampulitika para makamtan ang kapangyarihan sa korteng imperyal at sa patuloy na pakikidigma sa mga tribo sa hanggahan, limang beses na inilipat ang kabisera ng Shang.
4.Ang pinakakilalang paglipat ay naganap noong panahon ng paghahari ni Haring Pangeng, ang ika-17 hari ng Shang. Muli niyang itinayo ang kabisera sa Yin, sa lunsod ng Anyang ng lalawigang Henan.
5.Nang maitatag ang bagong kabisera, hindi na ito nagbago sa buong panahon ng Shang, kaya, ang Dinastiyang Shang ay laging tinatawag na "Ang Yin" o "ang Dinastiyang Yin- Shang".