Makakuha ng pinakamahusay na mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mapagkakatiwalaang Q&A platform. Nagbibigay ang aming Q&A platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform.

Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Ibigay ang hinihingi sa
talahanayan sa ibaba. Isagawa ito sa iyong sagutang papel.

Ang Gulong ng Buhay
Lumaking sunod sa layaw si Sabrina. Bawat nanaisin niya ay ibinibigay sa
kaniya. Gala dito, gala doon iyan ang laging ginagawa niya. Pinababayaan na niya
ang kaniyang pag-aaral. Hingi nang hingi ng pera sa kaniyang ama na
nagtatrabaho sa ibang bansa. Laman siya palagi ng mga malls, bili dito, bili doon
kahit hindi na niya kailangan ng damit ay binibili niya basta’t nagugustuhan niya.
Subalit nagising nalang siya isang araw na iba na ang takbo ng kanilang
pamumuhay. Dahil sa napauwi ang kaniyang ama at nawalan ng trabaho,
nasundan pa ng unti-unting pagbagsak ng kanilang mga negosyo. Isa-isang
naibenta ng kaniyang mga magulang ang kanilang mga ari-arian para may
maipambayad sa kanilang mga pagkakautang. Nasimot ang kanilang ipong pera sa
bangko.
“Anak lilipat na tayo sa isang maliit na apartment, ibinenta na namin ng papa
mo itong bahay”, pagpapaliwanag ni Aling Selda sa kaniyang anak. Para may
ikabuhay, nagbukas ang kaniyang nanay ng isang maliit na tindahan sa harap ng
kanilang bahay. Ang kaniyang ama naman ay namasukan bilang kargador sa
malapit na pabrika ng sapatos. Walang magawa si Sabrina kundi tanggapin ang
panibagong pamumuhay.
11 CO_Q2_Filipino 6_ Modyul 4
Mabuti at nairaos mo na ang mga
gawain. Tiyak kong masasagot mo rin
nang mahusay ang gawaing pagtataya.
Babatiin na kita nang buong galak, alam
kong matagumpay mong matatapos ang
araling ito.
“Magsisikap ako sa pag-aaral, iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan”, may
pagsisising bulong ni Sabrina sa sarili. Tuwing hapon pagkagaling sa paaralan
ay tumutulong si Sabrina sa kaniyang nanay sa pagtitinda sa kanilang
tindahan.
Sa paglipas ng panahon ay nakapagtapos ng kolehiyo si Sabrina at
nagkaroon ng magandang trabaho. Unti-unti na silang nakabangon at
nakalipat sa isang malaking bahay at nagkaroon na rin sila ng sarili nilang
pagawaan ng sapatos.
Sariling akda: Dexter E. Ferasol
Kompletuhin ang sumusunod upang mabuo ang pangungusap.
1. Ang alam ko na tungkol sa nabasa ay
______________________________________________________________________________
__________________________________________.
2. Pagkatapos kong mabasa ang teksto, nadagdagan pa ang kaalaman ko
tungkol dito. Natutuhan ko na
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
3. Dahil sa natuklasan ko o natutuhan mula sa binasa, nabago sa dati kong
kaalaman. Ito ay ang
____________________________________________________________________

please answer​

Sagot :

Answer:

1 maging matipid wag mag aksaya at laging tumulong sa magulang

2 maging matipuno laging mag ipon wag gastador at laging magaral ng mabuti

3 naging malawak at natutunan ko na kailangang mag aral ng mabuti para sa magulang ay makabawi at para lahat ng kanilang hirap ay mapawi

Explanation:

sana po makatulong