Maligayang pagdating sa Imhr.ca, kung saan ang iyong mga tanong ay masasagot ng mga eksperto at may karanasang miyembro. Tuklasin ang komprehensibong mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na platform. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform.

sumulat ng isang talata tungkol sa iyong kaibigan​

Sagot :

AshyHM

Answer:

Kung ang pamilya ay pinagbuklod ng kanilang dugo, mayroong isang uri naman ng samahan na binuo ng isang magandang samahan—ang pagkakaibigan.

Dahil sa dami ng nilalang sa mundo, hindi naman lahat ay magiging kaanak natin, at hindi lamang sila ang makasasalamuha natin. Nariyan din ang ibang tao na matututuhan nating pahalagahan at magkakaroon nang maayos na samahan.

Nabubuo ang pagkakaibigan sa iba’t ibang panahon. Mayroong mga kababata na kasama mo sa iba’t ibang gawain noong ikaw ay musmos pa lamang, lalo na sa paglalaro.

Ang mga samahang nabuo noong pagkabata ay lalong tumitibay sa paglipas ng panahon, habang kayo ay nagkaka-edad.

Mayroon ding mga samahang nabubuo sa paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo. Dahil sa araw-araw na kayo ay magkasama, nahuhuli n’yo na rin ang kiliti ng bawat isa.

At sa bagong yugto ng buhay, kapag magtatrabaho na, ay isa ring oportunidad upang makabuo ng isang pagkakaibigan.

Ngunit katulad ng ibang samahan, dumaraan din sa panahon ng tampuhan at di pagkakaunawaan ang magkakaibigan. Sa anumang dahilan, maaaring magkaroon ng lamat ang samahan.

Gayunman, kung laging bukas ang puso at isip upang umunawa, siguradong maaayos din ito at maibabalik sa dati.

Masaya ang samahang kaibigan. Indikasyon ito ng mundo na kahit maraming pagkakaiba ang bawat isa, posible ang mga matitibay na ugnayan.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras sa aming site. Huwag mag-atubiling bumalik kailanman mayroon kang mga karagdagang tanong o kailangan ng karagdagang paglilinaw. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca, ang iyong go-to na site para sa mga tamang sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang kaalaman.