Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng mga sagot mula sa mga eksperto nang mabilis at eksakto mula sa aming dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.

bakit bawal magmaneho ng sasakyan ang mga babae sa saudi​

Sagot :

Answer:

And driving ban sa mga kababaihan na ipinatupad ng hari ng Saudi Arabia ay may mga kaukulang dahilan na ipinapaliwanag ng mga lider ng relihiyon ng bansa.

 

Sinasabi ng mga ‘religious leader’ nila na ang pagmamaneho ng isang babae ay labag sa kultura ng kanilang relihiyon kaya hindi akma na payagang magmaneho ang mga kababaihan. At ang iba namang konserbatibo sa kanilang relihiyon ay sinasabing makakasira ito sa lipunan ng Saudi at ito rin ang magiging dahilan ng kasalanan na sisira sa buhay ng tao. Para naman sa iba, sinasabi nila na masama ang epekto ng pagmamaneho ng mga kababaihan dahil makakasira ito sa kanilang obaryo at maaaring maging dahilan ng pagka baog.

 

Dahil dito nagkaroon ng kilusan noong 1990’s na tinawag na ‘Women to Drive Movement’ na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan na pahintulutang magmaneho. Dumating ang mga pagkakataon na maraming mga kababaihan ang nakulong at naparusahan dahil sa batas na ito.

 

Ngunit noong Setyembre 26, 2017 ay nagpahayag ang hari ng Saudi Arabia na si Haring Salman na nagsasawalang bisa sa batas na pagbabawal magmaneho sa mga kababaihan at nagbibigay na ng karapatan na magmaneho sa mga babae. Ngayong taon 2018 sa Hunyo ay tuluyan ng iiimplementa ang karapatang ito.