1. Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa kilos o galaw.
2. Ito ay isang anyo ng pagtatalo na gumagamit ng patulang paraan sa palitan ng argumento.
3. Ito ay elemento ng tula na ginagamitan ng tayutay upang maisagawa.
4. Ito ay uri ng tula na hindi sumusunod sa nakasanayang paraan ng pagsulat ng tula.
5. Siya ang kinilalang "Unang Hari ng Balagtasan."
6. Ito ay uri ng panitikan na ang layunin ay itanghal sa entablado.
7. Ito ang akdang bumago sa konsepto sa pagsulat ng tula sapagkat hindi ito sumunod sa pamantayan ng mga sinaunang
tula.
8. Siya ang kinikilalang "Ama ng Sarsuwela" sa Pilipinas.
9. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula.
10. Ito ay uri ng tula na nakakulong sa pamantayang dapat ay may sukat at tugma.
11. Siya ang kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Filipino"
12. Ito ay anyo ng dula na gumagamit ng mga musika at sayaw.
13. Ito ang naging sagisag panulat ni Severino Reyes.
14. Ito ang ginamit na sagisag panulat ng Unang Prinsipe ng Balagtasan.
15. Siya and dahilan kung bakit nagkaroon ng Balagtasan dahil ito ay pagkilala sa kaniya bilang Pinakamagaling na
Makata noog kaniyang kapanahunan.