Tuklasin ang mga sagot sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang pinaka-mapagkakatiwalaang Q&A platform para sa lahat ng iyong pangangailangan. Kumuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto na dedikado sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Sumali sa aming Q&A platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang isa pa sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang "Polo y Servicios" O sapilitang paggawa. Sakop nito lahat ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang na may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa pagawaan ng pamahalaang Espanyol, gaya ng pagpapatayo ng tulay, simbahan at paggawa o pagkukumpuni ng barkong galyon. "Polista" ang tawag sa mga naglilingkod dito. Sila ay Nagtratrabaho ng 40 araw sa pamahalaan, ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong '1884'. May ilang polistang isinama ng pamahalang Espanyol sa pakikidigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Makaliligtas lamang sa polo ang isang Pilipino kung siya ay may kakayahang magbayad ng 'Falla' o multa bilang kapalit ng kanyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang mga may katungkulan sa pamahalaang gaya ng 'Gobernadorcillo', 'Cabeza De Barangay', at iba pang miyembro ng 'Principalia' ay ligtas dito.
Maraming Pilipino ang nawalay sa kanilang mga pamilya dahil sa pagtratrabaho sa malayong mga lugar. Napabayaan din nila ang kanilang mga sariling kabuhayan at kadalasan lumalagpas pa sa takdang araw ang kanilang pagtratrabaho. Dahil sa polo, maraming mga gusali ang napatayo. Sa katunayan ang maraming lumang simbahan na meron tayo ay naitayo rin ng mga polista. Ngunit kahit na umunlad ang ating bansa ay marami naman ang nahirapan O mas higit pa ay namatay pa na hindi lang nakita o nadalaw ng kanilang Pamilya. Huwag magpagawa ng sapilitan dahil wala kang karapatan Sa isang tao na pahirapan ito.
Explanation:
#carryonlearning
#armyforever
Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Sana'y naging kapaki-pakinabang ang mga sagot na iyong natagpuan. Huwag mag-atubiling bumalik para sa karagdagang impormasyon. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Mahalaga ang iyong kaalaman. Bumalik sa Imhr.ca para sa higit pang mga sagot at impormasyon.