Pinadadali ng Imhr.ca ang paghahanap ng mga sagot sa iyong mga katanungan kasama ang isang aktibong komunidad. Maranasan ang kaginhawaan ng pagkuha ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang dedikadong komunidad ng mga propesyonal. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng eksaktong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan.


ANG BATANG MATAPAT
Isang araw nagbigay ng isang takdang aralin si Bb. Cruz sa kaniyang klase
upang magsaliksik tungkol sa mga bayaning Pilipino.
Pagkatapos ng klase ay dali-daling nagpunta si Juan sa silid-aklatan
upang maghanap ng mga babasahin tungkol sa mga bayani ng Pilipinas.
Samantalang si Pedro ay naglaro muna sa palaruan at ipinagawa na lang niya
ang kaniyang takdang aralin sa kaniyang kapatid na nagtatrabaho sa isang
internet cafe.
Kinabukasan ay agad na ipinasa ng mga mag-aaral ang kani-kanilang
takdang aralin na agad din namang binigyang puntos ni Bb. Cruz.
Sa kadahilanang mas maayos, makulay, at maganda ang ipinasang
proyekto ni Pedro, siya ang nakatanggap ng pinakamataas na puntos sa
kanilang klase.
Tuwang-tuwang ipinagyabang ni Pedro sa mga kaklase ang nakuhang
marka. Malungkot man ay mahinahon namang tinanggap ni Juan ang hatol ng
kanilang guro dahil alam niyang pinaghirapan niyang tapusin ang kaniyang
proyekto sa sariling pagsisikap.
Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa
proyektong ipinagawa ng guro na madali namang nasagot lahat ni Juan dahil
siya mismo ang gumawa ng kaniyang proyekto sa pamamagitan ng pagbasa ng
mga aklat sa silid-aklatan, samantalang si Pedro ay yuyuko-yuko upang hindi
tawagin ng guro para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga bayani. Ngunit,
anomang pagtatago niya ay tinawag pa rin siya ng kaniyang guro upang ibahagi
sa klase ang kaniyang gawain. Napayuko si Pedro at inamin sa kaniyang guro
na hindi niya kayang ipaliwanag ang kaniyang gawain dahil ipinagawa lamang
niya ito sa kaniyang kapatid. Humingi ng tawad si Pedro sa guro at sa kaniyang
mga kaklase.
Magmula noon ay napagtanto niya na lubhang napakahalaga ang maging
matapat at pagtuunan ng pansin ang kaniyang pag-aaral.
1. Tungkol saan ang kuwentong inyong binasa?
ang batang matapas
2. Ano ang ginawa ni Juan pagkabigay ni Bb. Cruz ng kanilang takdang
aralin?
3.Sino ang mas tama ang ginawa? Bakit?
4.Alin ang mas mahalaga, maganda ang resulta pero hindi mo gawa, o hindi masyadong maganda ang gawa pero sarili mo ang gumawa?
5.Paano mo mapapaganda ang sariling gawa? Bakit kailangang maganda at magaling ang ating gawa​

Sagot :

Answer:

1. Ang batang matapat

2.Pumunta siya sa silid aklatan at pinag aralan ang tungkol sa mga bayaning pilipino

3.Si juan, dahil siya mismo ang gumawa ng kanyang aralin

4.Hindi masyadong maganda ang gawa pero sarili mo ang gumawa.

5. Mapapaganda ang iyong gawa kung pag sisikapan mo ito ng mabuti, kaya kailangan na maganda at magaling ang ating gawa para mag ka roon tayo ng mataas na marka

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik muli para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Imhr.ca, ang iyong pinagkakatiwalaang site para sa mga sagot. Huwag kalimutang bumalik para sa higit pang impormasyon.