Answer:
Ang arkitekturang Tsino ay nagpapakita ng estilo ng arkitektura na umusbong sa paglipas ng panahon sa Tsina, bago kumalat upang maimpluwensiyahan ang arkitektura sa buong Silangang Asya. Mula nang pinagtibay ang estilo sa maagang panahong imperyal, ang mga prinsipyong estruktura ng arkitekturang Tsino ay nanatiling hindi nagbabago, ang pangunahing mga pagbabago ay ang mga palamuti lamang sa detalye. Simula noong dinastiyang Tang, ang arkitekturang Tsino ay nagkaroon ng pangunahing impluwensiya sa mga estilo ng arkitektura ng Hapon, Korea, Mongolia, at Vietnam, at magkakaibang dami ng impluwensiya sa mga estilo ng arkitektura ng Timog Silangan at Timog Asya kabilang ang Malaysia, Singapore, Indonesia, Sri Lanka, Thailand, Laos, Cambodia, at Pilipinas.
Explanation:
sana makatulong.