Makakuha ng mga solusyon sa iyong mga katanungan sa Imhr.ca, ang mabilis at tumpak na Q&A platform. Sumali sa aming platform upang kumonekta sa mga eksperto na handang magbigay ng detalyadong sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang larangan. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang malawak na network ng mga eksperto sa aming madaling gamitin na Q&A platform.

masistemang paraan ng pagtatanim ng gulay​

Sagot :

Answer:

Sa pangkalahatan, mataba ang lupa doon sa amin. Ibig sabihin, karamihan sa mga itinatanim doon ay nabubuhay, lumalago at naaani ang mga bunga at ugat. Hindi ito nangangahulugang hahayaan na lang tumubo at lumaki ng sarili ang mga halaman. May plano rin naman ang ganito at may sistema rin ng pagtatanim, pangangalaga at pagmi-mintina ng mga halamang-gulay.

Una, kailangang pili ang mga buto, o binhi, o punla ng mga halamang gagamitin sa pagtatanim. Kadalasan, ang mga iyon ay galing sa pinakamagandang ani o best crop of the season na pinatuyo at itinabi. Kapag walang naitabing binhi, kailangang bumili sa pamilihan. Kung minsan, maari ring manghingi lamang ng punla sa kamag-anak o kumpare, sakaling may sobra silang binhi.

Ikalawa, ang plotting. Ang plotting ay ang paghahanda ng lupang pagtatamnan. Ibig sabihin, itatakda, susukatin at lilinisin ang lupang napili. Mamarkahan iyon, saka bubungkalin at paluluwagin ang lupa. Aalisan iyon ng mga kalat, damo at ugat-ugat. Madalas, ang plot ay siya na rin mismong seedbed. Ngunit, depende rin sa halaman. May mga halamang hiwalay ang lupang pinagpapatubuan o nursery ng binhi, doon sa mismong pagtataniman at pagpapalaguan ng halaman. Palalakihin muna ang seedlings o saplings , saka ililipat o ita-transfer sa kanilang designated plots.

Ikatlo, ang mismong pagtatanim. Kailangan, masa-masa o moist ang lupa pag nagtatanim. Hindi pwede kung masyadong itong tuyo at ganoon din naman kung sobrang basa. Kailangan ay kainaman lamang ang looseness and humidityng lupa para makahinga at makakapit ang punla. Pag ang lupa’y tuyung-tuyo, kailangan munang diligan iyon ng kung ilang araw. Pag basang-basa naman, kailangan munang pababain ang tubig, dahil kung hindi, alinman sa malulunod o maaanod ang binhi.

Bawat punla o binhi ay may kanya-kanyang lalim ng hukay pag itinatanim. Mayroong pananim na isa’t kalahating pulgada lang ang kailangan. Mayroon namang binhing anim na pulgada ang dapat na lalim. May kanya-kanya silang pangangailangan para mapatubo at mapasuloy. Pag masyadong mababaw ang pagkatanim, baka ang mga punla ay tukain lang ng mga dumaraang ibon at manok. Pag masyado namang malalim, baka isang buwan na ay di pa nasisilayan ang mga suloy nila.

Kailangan ding may sapat na pagitan o distansya sa isa’t isa ang mga halaman pag nagtatanim. Kung hindi, maggigitgitan o magka-crowd sila at mag-aagawan sa tubig at sa sustansya o nutrients ng lupa. Pag nagkaganoon, mababansot ang marami sa mga tubo at hindi sila lalaki at bubunga ng maayos. Kaya importante ang spacing at distancing sa pagtatanim. Pag naitanim na nga pala ang binhi, dinidiligan ng bahagya ang paligid ng lupang pinagtamnan.

May mga halamang minsan lang kung itanim pero maraming taon bubunga at mapapakinabangan. Perennials ang tawag sa kanila. Ang mga halimbawa nito ay ang niyog, papaya, kalamansi at paminta. Mayroon namang kailangang itanim kada taon pag season ng taniman o planting. Seasonals naman ang tawag dito. Ang karaniwang mga halimbawa nito ay ang ilang varieties ng luya, luyang-dilaw, kamote at kamoteng-kahoy. Ganoon din ang okra at talong. May mga gulay na kapwa perennial at seasonal gaya ng kamatis at sili. May variety silang pwedeng minsan lang itanim, at, meron din namang itinatanim tuwing panahon ng taniman.

Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Umaasa kami na nakatulong ito. Mangyaring bumalik kapag kailangan mo ng higit pang impormasyon o mga sagot sa iyong mga katanungan. Imhr.ca ay laging nandito para magbigay ng tamang sagot. Bisitahin muli kami para sa pinakabagong impormasyon.