Tinutulungan ka ng Imhr.ca na makahanap ng maaasahang mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng detalyado at eksaktong sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa aming komprehensibong Q&A platform. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.

Panuto: Basahing mabuti ang maikling kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.
Magkaibang kinagisnan, Pinagtagpo ng paggalang
Ni: Kathy Joy M. Castillo
Lubos na ikinagalak ni Mila nang malaman niyang darating ang kanyang pinsang Intsik na si Chen. Matagal-tagal
na rin kasi silang hindi nagkita simula nang tumira ang kanyang pinsan sa China. Hindi na siya makapaghintay na ipakilala
ang kanyang pinsan sa kanyang kaibigang Aeta na si Atong
Tuwang-tuwang sinalubong ni Mila ang kanyang pinsan kasama ang kanyang mga magulang sa pintuan ng kanilang
bahay at saka nagkumustahan. Naroon ring naghihintay si Atong upang magpakilala. Ilang sandali pa at inihanda na ni
Aling Nena ang mga lutong pinoy na hapunan. Naghanda rin siya ng isang resiping intsik at chopstick bilang pakikitungo
sa bayaw niyang intsik.
Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan sina Mila at ang kanyang pinsan. Nang umalis si Atong ay tinanong ni Chen si
Mila kung bakit kakaibang manamit, kumilos at iba ang kulay ni Atong. Ikinuwento ni Mila kay Chen ang tradisyon,
kultura at etniko nila kaya siya naiiba. Pagkatapos magkwentuhan ay inutusan ni Aling Nena si Mila na magligpit ng
kanilang kinainan. Bumalik si Atong at nagkwentuhan sila ni Chen. Ikinuwento ni Chen ang tungkol sa kanilang
relihiyong Taoism sa China habang ikinuwento naman ni Atong ang kanilang malakas na paniniwala at pagbibigay-pugay
sa mga istatwang gubat na kanilang sinasamba. Nagkaroon pa ng mahaba-habang kwentuhan at pagbabahagi ng kanilang
pagkakaiba sa kultura, tradisyon at paniniwala.
Dahil sa kanilang kwentuhan at paggalang sa kanilang sari-sariling paniniwala ay naging mabilis ang kanilang pagiging
magkaibigan sa kabila ng kanilang pagkakaiba.
Mga tanong: Bilugan ang letra ng tamang sagot.
2. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba sa isa't-isa?
1. Sino-sino ang magkakaibigan sa kwento? AtongChen Mila
Kinagisnan
3. Bakit naging mabilis ang kanilang pagkakaibigan?
4. Paano nakatutulong sa ating buhay ang paggalang sa pagkakaiba ng ibang tao?
5. Bilang isang bata, ano ang gagawin mo upang maipakita ang paggalang mo sa ibang tao (dayuhan at
katutubo)?​

Sagot :

Answer:

1.Atong,chen,at mila

2.si chen ay isang intsik,si atong ay katutubo

3.Dahil sila ay nagkaisa

4.Walang mangyayaring masama o di kanais-nais.

5.Igagalang ko ang kanilang paniniwala at kinaugalian,nang saganon ay kanila ding igagalang ang ating kinaugalian at paniniwala.

Sana po makatulong sa inyo.

Mahalaga sa amin ang iyong pagbisita. Huwag mag-atubiling bumalik para sa higit pang maaasahang mga sagot sa anumang mga tanong na mayroon ka. Pinahahalagahan namin ang iyong pagbisita. Lagi kaming narito upang mag-alok ng tumpak at maaasahang mga sagot. Bumalik anumang oras. Maraming salamat sa pagtiwala sa Imhr.ca. Bisitahin kami ulit para sa mga bagong sagot mula sa mga eksperto.