Ang Imhr.ca ang pinakamahusay na lugar upang makakuha ng mabilis at tumpak na mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong. Tuklasin ang malalim na mga sagot sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga eksperto sa iba't ibang larangan. Nagbibigay ang aming platform ng seamless na karanasan para sa paghahanap ng mapagkakatiwalaang sagot mula sa isang network ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Pagpapa-unlad ng mga taglay na talino, talento, at kakayahan
Ang talino, talento, at kakayahan ay mga regalo at biyaya sa atin ng Maykapal. Ito rin ay maaaring taglayin mula pa kapanganakan ngunit maaari rin itong matutunan at mapag-aralan.
Pagpapa-unlad ng talino
Ang pag-papaunald ng talino o kaalaman ay hindi ganun kahirap. Maaaring mapa-unlad ng isang indibidwal ang kanyang talino sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanyang mga kaalaman sa ibang tao. Maaari rin itong mapa-unlad sa pamamagitan ng pagtuklas at pagsaliksik ng mga bagong agay na maaaring makatulong sa sanlibutan.
Halimbawa: Si Jed ay mayroong taglay na talino at galing sa larangan ng siyesya o science. Ginagamit at pina-uunlad pa niya ang talinong ito sa pagiging isang science teacher at nagbabahagi siya ng kanyang mga kaalaman sa ibang mga mag-aaral. SI Jed din ay nagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa iba't ibang mga bagay na hindi pa nadidiskubre ng iba.
Pagpapa-unlad ng talento
Ang talentong taglay ng isang tao ay talaga nga namang maituturing na napakagandang biyaya. Mapapa-unlad ng isang tao ang kanyang talento sa pamamagitan ng paggamit nito para sa ikabubuti. Maaari rin itong maibahagi sa pamamagitan ng pagtuturo o pagpapakitang gilas.
Halimbawa: Si Jenny ay isang eksperto at magaling na taekwondo player. Pina-uunlad niya ang kanyang talento sa pamamagitan ng pagtuturo sa ibang mga tao ng mga taekwondo moves at sa pagpapaalala sa mga ito na ang mga moves na iyon ay ginagamit lamang sa sport o para sa pansariling depensa. Hindi ginagamit ito para makapanakit ng ibang tao.
Pagpapa-unlad ng kakayahan
Ang mga kakayahan ay ang mga bagay na natututunan o napag-aaralan ng isang tao. Ito ay maaaring matawag ding talento o skills sa wikang Ingles. Maaari itong mapa-unlad sa pamamagitan din ng pagbabahagi nito upang mas dumami pa ang mga taong magkaroon ng ganung kakayahan na maaaring magamit sa magagandang layunin.
Halimbawa: Si Joan ay may kakayahang magpatawa. Isa itong regalo sa kanya mula nang siya'y isilang. Ginagamit at pina-uunlad niya pa ang kanyang kakayahan sa pagpapatawa sa pamamagitan ng paggawa ng mga charitable activities. Si Joan ay nagtutungo sa mga home for the aged at doo'y namamahagi siya ng tulong at ginagamit niya ang kanyang kakayahan upang pasayahin at patawanin ang mga nakatira doon.
Kung nais mo pang magbasa ng karagdagang imprmasyon o detalye tungkol sa paksang ito, narito ang ilang mga link/s na maaari mong puntahan:
Talento at kakayahan
brainly.ph/question/2333945
Tulang akrostik - TALENTO
brainly.ph/question/1648827
Importansya ng talino
brainly.ph/question/906117
Answer:
mapapanatili mo ito sa paraan ng pagsali sa mga paligsahan kung saan magagamit mo ang iyong talento utak o galing,pagmamahal,pagaalaga at gagamitin mo sa tamang paraan ang iyong regalo o talento,at sa paraan ng pagsanay sa iyong talento para ito ay magamit mo nang maayos.
Explanation:
...sorry ang gulo ng pagkaka explain ko
Salamat sa paggamit ng aming serbisyo. Lagi kaming narito upang magbigay ng tumpak at napapanahong mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan. Pinahahalagahan namin ang iyong oras. Mangyaring bumalik anumang oras para sa pinakabagong impormasyon at mga sagot sa iyong mga tanong. Maraming salamat sa pagbisita sa Imhr.ca. Balik-balikan kami para sa pinakabagong mga sagot at impormasyon.